Pumanaw na si dating Reyna Sirikit ng Thailand sa edad na 93.

Ayon sa Thai Royal Household Bureau, siya ay sumakabilang buhay nang mapayapa sa Bangkok Hospital nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 24.

Matatandaan na simula taong 2019 nanatili na sa pagamutan ang dating Reyna dahil sa iba’t ibang karamdaman kabilang na ang blood infection.

--Ads--

Matapos ma-stroke noong 2012 ay bihira nang makita sa publiko ang dating Reyna.

Si Queen Sirikit ang Ina ng kasalukuyang Hari ng Thailand na si King Vajiralongkorn.

Siya ang maybahay ni late King Bhumibol Adulyadej na sumakabilang buhay noong 2016.

Nagkakilala ang dalawa habang nag-aaral si Queen Sirikit sa Paris kung saan nakatalaga ang kaniyang Ama bilang Thai Ambassador ng France.

Ikinasal ang dalawa noong April 28, 1950, isang linggo bago koronahan si King Bhumibol bilang Hari ng Thailand.