Dagupan City – Arestado ang dalawang lalaki sa isang operasyon ng Villasis Police Station (PS) matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng pot session sa By-Pass Road, Brgy. Barraca sa bayan ng Villasis.
Kinilala ang mga suspek na isang 40-anyos na lalaki, tricycle driver, residente ng Villasis, at isa pag lalaki na 38-anyos binata, walang trabaho, at residente sa bayan ng Santa Maria.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa nagaganap na ilegal na aktibidad sa lugar.
Agad rumesponde ang mga awtoridad at naaktuhan ang mga suspek sa loob ng isang tricycle na nakaparada sa kalsada.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga sumusunod gaya ng 1.1 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na PhP7,480.00, isang (1) unit ng improvised shotgun na walang serial number, Tatlong (3) piraso ng live ammunition para sa 12 Gauge, Apat (4) na piraso ng aluminum foil strips, Apat (4) na piraso ng lighter, Isang (1) pirasoAndroid Phone, Isang (1) piraso ng Black Belt Bag, Isang 2 unit ng motorized tricycle.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms.