Kinaaliwan ng mga netizen ang social media posts ni Sen. Imee Marcos hinggil sa agaw-eksena niyang “buwaya bag.”

Umagaw ng atensyon sa mga senador at maging sa mga netizen ang disenyo ng bag ni Sen. Imee Marcos, habang nasa Senate plenary nitong Martes, Setyembre 9.

Sa sesyon, pinansin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kakaibang bag ni Marcos.

--Ads--

Anang Zubiri, ngayon lamang daw siya nakakita ng ganoong klaseng bag design.

Natawa naman ang senadora at agad na niyakap ang nabanggit na bag.

Ayon sa ilang netizen, mukhang may nais ipakahulugan ang bag ni Sen. Imee lalo’t mainit na pinag-uusapan ngayon ang korapsyon at anomalya sa flood control projects, na nagsasangkot sa ilang mga contractor at government officials.

Ang buwaya ay laging ikinakapit sa pagiging sakim o gahaman, na kadalasan, ay panlarawan sa mga tiwali o korap na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa senadora, ang nabanggit na bag ay tinatawag niyang “BB” o “Bondying Bag.”