DAGUPAN CITY – Nakalabas na ospital ang tatlong Pilipinong kabilang sa mga sakay ng naaksidenteng tour bus sa New York City.
Tiniyak ni Department of Foreign Affairs spokesperson Angelica Escalona na tuloy tuloy naman ang pagkakaloob ng tulong ng Philippine Consulate General sa New York sa mga biktima.
--Ads--
Matatandaan, Agosto 22, isang tourist bus na may lulang mahigit 50 katao, kabilang ang mga Pilipino, Indian at Chinese ang bumangga malapit sa bayan ng Pembroke habang pabalik sa New York mula Niagara Falls.
.
Sa ulat ng pulisya ay lima ang nasawi sa aksidente, pawang mga adult, habang marami ang sugatan.
Sinabing ang driver ay “distracted” habang maraming pasahero ang hindi nakasuot ng seatbelts.