Nagbahagi ng kanyang pagsasalarawan patungkol sa kanyang Lolo Ninoy si Francis Joseph “Kiko” Aquino Dee – anak nina Viel (Victoria Elisa) Aquino-Dee, na isa sa mga anak ng dating senador Benigno Aquino Jr. at dating pangulong Corazon Aquino.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa paggunita ng pagkamatay ni Ninoy, inilarawan niya ang kanyang lolo na mapagmahal na asawa, masayang ama, at inspirasyong hindi kailanman nawawala.

Bagamat hindi na niya personal na nakilala si Ninoy dahil pinaslang ito bago siya ipinanganak, pinalaki siya ng kanyang ina at pamilya na buháy ang alaala at aral ng kanyang lolo sa kanilang tahanan

--Ads--

Sa mga paggunita ng kanilang pamilya sa kanyang kamatayan ay inilarawan niya si Ninoy hindi bilang bayani, kundi bilang taong may puso para sa bayan at sa pamilya

Aniya ang paghanga ng mga tao kay Ninoy ay mistulang paghanga rin sa kanilang pamilya.

Ang pagkakakilala niya kay Ninoy ay hindi masyadong naiiba sa itinuturo sa paaralan.

Sinabi ni Dee na hindi na nila mahihigitan ang nagawa nito kaya naman hindi dapat mabahiran ng dumi ang kanyang pangalan

Si Francis Joseph “Kiko” Aquino Dee ay kasalukuyang executive director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation.