Tuloy tuloy pa rin ang operation at serbisyo ng Dagupan Electric Corporation para sa mga consumers nito maliban na lamang sa mga nakakaranas ng mataas pagbaha kung saan pansamantala munang in-off ang mga breaker nito upang makaiwas sa anumang insidente.

Ayon kay Atty. Randy Castillan ang siyang chief operation officer ng naturang opisina na naka-energized lahat ng kanilang mainlines maliban na lamang sa mga isolated na lugar dito s lungsod ng Dagupan gaya ng brgy. Pogo Grande, portion ng brgy bacayao sur sa bahagi ng tucok, ilang parte sa malued, lasip chico at ilang portion sa tondaligan.

Habang mayroon din sa bayan ng Calasiao sa brgy. lasip, ilang area sa brgy. mancup, tibron, at portion ng brgy. sonquil sa bayan ng Sta. Barbara.

--Ads--

Aniya na ibabalik naman nila ito sa oras na maging maayos at kung maari na, magsasagawa rin muna sila ng inspeksyon sa mga bahay na apektado upang masiguro ang kaligtasan.

May pakiusap si Atty. Randy para sa kanilang mga consumers na habaan anila ang kanilang pasensya dahil ginagawa naman nila ang kanilang trabaho para makapagbigay serbisyo para sa kanilang nasasakupan.