Umabot na sa halos 2000 mga pilipino ang napauwi o nairepatriate sa pilipinas ng Department of Migrant Workers mula sa bansang israel.

Ayon kay Sec. Hans Leo Cacdac na sa ngayon ay nakakaranas parin ng cease fire sa pagitan ng bansang iran at israel kung saan manaig pa sana aniya ang kapayapaan.

Saad nito na nagpapatuloy ang kanilang pagpapa-uwi sa mga pilipino kung saan may pang-apat na batch na makakabalik muli sa bansa.

--Ads--

Nakahanda naman ang mga tulong para sa mga OFW upang sa ganun ay makapagsimula sila ng may bagong pag-asa at hindi natatakot sa mga posibleng panganib ng giyera.

Samantala, asahan ng mga pilipino na nasa ibang bansa na hindi titigil ang gobyerno sapagkat katuwang nila ito at handang tumulong sa kanila kung kinakailangan.