Idineklarang winner by default si Philippine National Police Chief P/Gen. Nicolas Torre III sa inaabangang boxing showdown sa pagitan ni at acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte matapos hindi sumipot ang alkalde sa laban.
Nauna na rito sinabi ni Duterte na hindi siya available ng linggo dahil mayroon siyang mga prior commitment.
Ang laban ni Duterte at Torre ay inaabangan bilang bahagi ng civic exhibition events na may layuning ipakita ang sportsmanship ng mga public figures at ipamahagi naman ang mga nalikom na tulong mula sa ticket sales.
Ayon sa organizers, may sapat na oras at abiso kay Duterte upang dumalo, ngunit ito ay nasa Singapore, kasama ng kaniyang pamilya.
Marami ang nanghinayang sa posibilidad na makitang magkaharap ang dalawang personalidad sa ring.
Dahil kilala si General Torre na dating atleta at aktibo sa lifestyle kahit opisyal ng PNP.
Matapos ang hindi natuloy na laban, namahagi na lamang ng tulong si Torre sa mga taga Baseco Compound na nasalanta ng bagyo at habagat.
Bitbit nito ang relief items tulad ng bigas, canned goods, tubig, gamot, at hygiene kits para sa mga residente.
Ang Baseco ay kabilang sa mga pinaka-naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo sa nakalipas na linggo.
Naging katuwang naman nito sa relief operation ang mga tauhan ng PNP Community Affairs and Development Group (CADG).
Ipinaabot naman ng mga residente ang kanilang pasasalamat sa mabilis na aksyon ng PNP kahit walang kinalaman sa laban.
Ayon kay Torre, mas mahalaga ang makatulong, kaysa magpakasikat sa ring.
Ang hindi pagsipot ni Duterte ay naging laman ng mga diskusyon, at marami ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon.