DAGUPAN CITY- Tila nakagugulat ang bilis ng naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Michael Henry Yusingco, isang political analyst at constitutional expert, inaasahan niyang matagal pa bago maglabas ng ruling ang Supreme Court sa usapin.

Ngunit, sa halip na buwan o taon, agad na naglabas ng desisyon ang hukuman, na siyang ikinagulat ng maraming tagasubaybay.

--Ads--

Dagdag pa niya, bagama’t hindi na siya nagulat sa nilalaman ng desisyon, ngunit ang timing at bilis ng paglalabas ng desisyon ang pinaka-kapansin-pansin sa ngayon.

Una pa lang aniya ay hindi na niya inalis ang posibilidad na ito dahil sa kanyang ankitang irregularities sa proseso ng House of Representatives.