Arestado ang suspek sa illegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan sa pakikipagtulungan ng PDEA RO1 sa kahabaan ng Diversion Road, Zone 7, Brgy. Sta. Lucia, Lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay PLTCOL. Radino S. Belly, OIC ng Urdaneta Police station, ang naarestong suspek ay nakilalang si Mario Dizon Santos Jr., residente ng bayan ng Alcala.
Nakumpiska mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 5 gramo at may Street Drug Price na ₱34,000.
Ayon sa imbestigasyon,naghahatid siya ng illegal na droga gamit ang kanyang motorsiklo sa ibat ibang bayan na nanggagaling pa umano sa Tarlac.
At nang matunugan na siya ay magbebenta ng droga sa lungsod kaya isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli niya.
Kasalukuyan nang inihahanda ang kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng RA 9165.
Samantala, sinabi ni Belly na malaking hamon sa kanila ang paghuli sa mga nagbebenta ng illegal na droga dahil may kanya kanyanga paraan o taktika para makapagbenta.
Napag alaman nila na minsan ay binabayaran na sa gcash at ang idedeliber na droga ay iiwan sa tabi tabi at kanilang vivideohan para ipadala naman sa bebentahan nila.
Gayunman, may ginagawa na aniyang hakbang ang ibang mga barangay at mga paaralan upang mahinto ang operasyon ng droga sa kanilang lugar.