Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez ang paglalaanan ng pondo ng Kongreso sa mga itatayong clinic nationwide sa mga veterano na siyang isa sa prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Speaker Romualdez, suportado ng House of Representatives ang nasabing hakbang ng Pangulo na layong palawakin ng access sa healthcare service ang mga beterano na nakatira sa labas ng Metro Manila.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng programa ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC), kung saan ang Valor Clinic ay dinisenyo para mabigyan ng primary healthcare services ang mga beterano, retiradong sundlo at kanilang mga pamilya.

--Ads--

Dahil dito nangako si Speaker Romualdez na ang nasabing mga inisyatibo ay tututok sa kapakanan ng mga beterano at retirees. Sa katunayan aniya sisiguraduhin na magkakaroon ito ng pondo sa ilalim ng annual General Appropriations Act.

Dito na inulit ni Romualdez ang position ng pangulo na ang kapakanan ng mga veterans, retires at mga sundalong nasa active-duty ay isa sa mga prayoridad ng pamahalaan.

Patuloy rin sinuportahan ni Speaker Romualdez ang mga hakbangin upang itaguyod ang kapakanan ng mga beterano ng bansa, kabilang ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11958, na nagbibigay-katwiran sa disability pension ng mga ito.

Ang panukala ay isang konsolidasyon ng Senate Bill 1480 at House Bill 7939, na ipinasa ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez noong Mayo 2023 at nilagdaan bilang batas ni Pangulong Marcos noong Agosto ng parehong taon.

Malaki ang pagtaas ng batas sa buwanang pensiyon para sa kapansanan para sa mga beterano na may kapansanan dahil sa sakit, pinsala, o sugat na nauugnay sa serbisyo. Ang mga buwanang benepisyo ay mula sa ₱4,500 hanggang ₱10,000, depende sa lawak ng kapansanan.