Dagupan City – Inaasahang magkakaroon ng pagbaba o rollback sa susunod na linggo sa mga presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Maaring bumaba sa 1.80 – 2.00/L ang Diesel, 1.40-1.60/L naman sa gasolina habang ang Kerosene ay bababa ng nasa 2.00-2.30/L na magiging epektibo sa darating na Martes Hulyo 1.
Maaring nakaapekto dito ang nangyayaring ceasefire sa pagitan ng bansang iran at israel lalo na sa mga kalakal na maaring dumaan sa mga bansang ito.
Sa Kabilang banda, dahil sa naranasang magkasunod na araw na bigtime oil price hike ngayong linggo ng produktong petrolyo na halos tumaas ng nasa 4 hanggang 5 piso kada litro.
Dahil dito, nagdulot ito ng pasakit sa mga motorista sa Dagupan City lalo na ang maliit lamang ang kinikita sa pang-araw-araw.
Pahirapan pa ang pamamasada dahil sa problema ng high tide sa ilang parte sa lungsod kaya nagtitiis na lamang sila sa kakarampot na kita dahil hindi pa naman nagkaroon ng taas pasahe sa kanilang sektor.
Samantala, maaring ang pagbaba ng presyo sa susunod na linggo ay magsisilbing malaking ginhawa sa mga ito upang kumita ng sapat para sa kanilang pamilya.