DAGUPAN CITY- Isang pag-asang lumitaw para sa LGBTQ+ community ang inihain na Comprehensive Anti-Discrimination Bill upang protektahan sila laban sa diskriminasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhay De Jesus, Spokesperson ng True Colors Coalition, matagal na itong ipinaglalaban ng naturang komunidad upang matugunan ang problemang nagbubuklod sa kanila sa sosyedad.

Aniya, umaasa sila na may maganda na itong papatunguhan matapos na mabara noon sa senado dahil sa konteksto ng kanilang komunidad.

--Ads--

Maliban pa riyan, pag-asa rin sa kanilang hanay ang Civil Union Act para mas mapagtibay pa ang proteksyon sa komunidad ng LGBTQ+.

Aniya, ito naman ay humaharap sa usaping civil union ng mga peer couples.

Ang SOGIESC Bill ay hindi nagkakalayo sa mga nasabing batas at ito ay naiiba lamang sa pagiging partikular sa usaping gender orientation at gender identity.

Umaasa ang True Colors Coalition na panghahawakan ng gobyerno ang kanilang gampanin sa pagprotekta ng kapanan ng bawat isa.

Hindi dapat ito naaapektuhan ng hidwaan sa pagitan ng mga politiko at magtulungan pa ang para magsulong ng batas pangkarapatan.

Sinabi naman ni De Jesus na upang maisulong ang karapatan ng LGBTQ+ community ay kinakailangan na hindi ‘lip service’ ang programa ng gobyerno.

At kinakailangin din ang mga tamang materyal at consent ng nasabing komunidad upang magtagumpay ang mga bubuoing programa o proyekto.

Nakikita naman niya na maaaring gayahin o gamiting inspirasyon ng gobyerno ang proyekto sa Quezon City na ‘care card’ para lalo pang masuportahan ang mga queer couples.

Ito kase ay hinaharap ang mga pangangailan, karapatan, at concern ng sektor.