Humigit kumulang 1.4 milyong residente ng Pangasinan ang nakarehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Konsulta program.
Ayon kay Pangasinan Vice governor Mark Ronald Lambino, lahat ng membro ay entitled sa libreng binipisyo sa ilalim ng Guiconsulta program upang mapabuti pa ang serbisyong pangkalusugan.
Target aniya nilang taasan ang registration ng Philhealth membership sa probinsya para ma cover ang mga indigents na hindi kayang magbayad ng premium sa Philhealth.
Ani Lambino, sa higit kumulang 3.2 million na kabuoang populasyon sa lalawigan ay halos kalahati na populasyon ay covered ng Philhealth.
Covered din aniya sila sa ilalim ng programang Government Unified Incentives for Medical Consultation (Guiconsulta) kung saan ay may mga benipisyong matatanggap mula sa pamahalaan.
Nilinaw naman ni Lambino na magkaiba ang Philhealth Konsulta at Guiconsulta.