Bagong silang na sanggol nasawi matapos maipit sa kadena ng tumatakbong motorsiklo

Nasawi ang bagong silang na sanggol matapos sa kadena ng tumatakbong motorsiklo.

Ayon sa ulat, nasa tatlong araw na gulang pa lamang ang sanggol.

--Ads--

At nito lamang miyerkules, habang pauwi mula sa ospital patungong Del Gallego, Camarines Sur ay naipit ang sanggol sa kadena at gulong ng sinasakyan nitong motorsiklo.

Base sa salaysay, ibinalot ang sanggol sa kumot ng kaniyang ina, at umangkas ito sa kaniyang ka live-in partner.

Sa kalagitnaan ng biyahe, hindi napansin ng dalawa na lumaylay ang kumot at sumabit sa kadena ng motor, dahilan upang mahila ang sanggol at maipit sa gulong.

Agad humingi ng tulong ang mag-partner subalit idineklara nang dead on arrival ang sanggol sa pagdating sa ospital.