nPatuloy na ginigiit ni US Pres. Donald Trump na ang mga nuclear site sa Iran ay tuluyang nawasak ng mga pag-atake ng militar ng US, sa kabila ng isang pagsusuri ng intelihensiya na nagdududa sa tagumpay ng mga ito.

Nauna rito ay isang classified preliminary intelligence report mula sa US ang nagsabing hindi ganap na nawasak ang nuclear program ng Iran matapos ang pangbo-bomba ng Amerika, taliwas umano sa naunang pahayag niTrump na naging matagumpay ang pagsira sa nuclear facility ng Iran.

Tinawag naman ni special envoy to the Middle East, Steve Witkoff, ang leak na ito na isang treasonous o pagtataksil.

--Ads--

Matatandaang gumamit ang Amerika ng B-2 bombers at submarine-launched Tomahawk missiles sa pag-atake sa tatlong nuclear facilities ng Iran.

Samantala, nananatiling epektibo ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Iran, na kinikilala ng parehong bansa.