Binitay ng Iran ang tatlong lalaki na inaakusahan umanong spy ng Israel.
Ayon sa isang news agency, nahatulan din ang mga ito ng pagtangkang pagpasok ng mga kagamitan na gagamitin umano sa pagpaslang o assassination.
Kinilala ang mga ito na sina Idris Ali, Azad Shojai, at Rasoul Ahmad Rasoul.
--Ads--
Inaresto rin ng naturang bansa ang 700 katao na akusado sa pagkakaroon ng kaugnayan sa Israel sa loob ng 12-day conflict.