Naghain si Texas Democrats Representative Al Green ng articles of impeachment laban kay US President Donald Trump kasunod ng kamakailang mga atake sa tatlong nuclear na pasilidad sa Iran.
Sa kaniyang talumpati sa US House of Representatives, inakusahan ni Green na nilabag ni Trump ang War Powers Clause ng Konstitusyon sa pamamagitan ng pag-utos ng aksyon militar nang walang pahintulot mula sa Kongreso o wastong abiso, na tinawag niyang pang-aabuso sa kapangyarihan.
Sa ginawang botohan ay nakakuha ito ng 344 na pumabor at 79 ang kontra kung saan 128 sa mga pumabor ay Democrats na kaalyado ni Trump.
--Ads--
Magugunitang sa unang termino ni Trump ay dalawang beses na ito ng tinangkang ma-impeach subalit siya ay na-acquit ng senado.