Nahaharap ngayon sa impeachment case si United States President Donald Trump dahil sa ginawa nitong pag-atake sa Nuclear Sites ng Iran.
Ang articles of impeachment laban kay Trump ay inihain ni Texas Democrats Representative Al Green.
Aniya, ilegal at unconstitutional ang ginawa ng Pangulo dahil hindi ito nagkaroon ng konsultasyon at pag-apruba mula sa Kongreso na mayroong “sole power” na magdeklara ng giyera batay sa Article 1 ng U.S. Constitution.
--Ads--
Sa nangyaring botohan sa Kongreso, 344 ang pumabor sa impeachment case habang 79 ang hindi sumang-ayon.
Matatandaan na binomba ng US ang tatlong nuclear facilities ng naturang bansa.