Dagupan City – Kampeon ang Oklahoma City Thunder sa katatapos na 2025 NBA Finals.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Edil Robinol Abalos – Bombo International News Correspondent sa US tinawag nito na isang napakagandang laban ang nangyari.

Kung titignan kasi aniya may mga team na tinatawag na underdog kaya marami sa mga fans ang hindi na umaasa pang aabot ito sa Game 7.

--Ads--

Matatandaan naman na noong Game 6, hindi nagpakita ng magandang performance ang Oklahoma City Thunder dahilan upang maipantay ng Indiana Pacers ang series sa 3-3.

Ngunit sa nangyari ngayong Game 7, makikita aniya na malaki ang epekto ng pagkawala ni Tyrese Haliburton sa Pacers matapos nitong mainjury sa unang quarter ng laro sa Game 7.

Isa ito aniya sa nakikita niyang dahilan para i-take advantage ito ng OKC at makuha ang kampyeonato, dagdag pa ang venue na kanilang home court.

Ani Abalos, ginawa itong inspirasyon ng Thunders paara galingan pa sa kanilang laro dala na rin ng suporta ng kanilang crowd.

Nagtapos naman ang laro sa score na 103–91 kung saan ay nasungkit ng OKC ang kanilang kauna-unahang NBA championship simula nang lumipat mula Seattle noong 2008.