Usap-usapan ngayon ang tila ‘low quality’ na camera ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Dahil dito, hindi na rin napigilan ng ilang mga netizens na itanong ito sa kaniyang ama na si Vic Sotto.
Ayon kay Vic, maski siya ay hirap na kumbinsihin ang anak na bumili na ng bagong model ng cellphone.
Pabiro pang hirit nito na hangga’t hindi sumasabog ang telepono ng anak na alkalde ay wala pang balak umano ito na palitan o i-upgrade.
Matatandaan na kinaaaliwan kasi ng maraming netizens ang hindi pa rin umano pagpapalit ni Mayor Vico ng bagong cellphone.
Komento ng ilan, kuntento na raw ang alkalde sa luma niyang gadget na sa tingin ng netizens ay napag-iwanan na ng panahon.
Halimbawa na lamang noong Abril 15, 2025, nagbahagi si Mayor Vico ng selfie at ilang larawan niya kasama ang mga taga-Pasig habang nasa isang seremonya.
Mapapansin umano rito na hindi pa rin maganda at malinaw ang kanyang selfie sa post.
Dahil dito, may mga nag-alok na at sinabing magpapautang ang mga ito dagdag pa ang malaking discount.
Meron ding mga nagpayo kung paano kumuha ng matinong selfie.