Maraming aktibidad ngayong pride month ang gay association sa bayan ng Mangaldan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Tina Castle, presidente ng Gay association sa nasabing bayan sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa tuwing ipinagdidiriwang ang pride month ay sinasamantala nila ang balik eskuwela activities kung saan nagkakaroon sila ng free haircut, paglilinis sa mga paaralan at namamahagi ng mga school supplies sa mga benificiaries na malayo sa bayan.
Nagboboluntaryo rin sila sa ibang mga gawain ng mga lokal officials gaya ng clean up drive.
Samantala, nagpapasalamat naman ni Castle dahil binibigyan ng special treatment ang kanilang asosasyon sa tuwing may mga event sa bayan.
Aniya, may dati nang naipasang batas na anti descrimination law sa kanilang bayan kaya naproprotektahan ang karapatan ng mga LGBTQ.
Pagbabahagi nito na tumataas na ang kanilang morale dahil sa pakikilahok nila sa mga gawain sa community.
Ang pride month celebration sa bayan ng Mangaldan ay gaganapin sa huling linggo ng Hunyo.