DAGUPAN CITY- Dalawang bahay, natupok ng apoy sa Poblacion Oeste, Dagupan City; Mga Pamilya, walang naisalbang gamit.
Dalawang residential house ang tinupok ng apoy pasado ala-una ng hapon ngayong Biyernes sa Poblacion Oeste, lungsod ng Dagupan.
Isa si Tania sa mga residenteng naapektuhan ng sunog. Nasa loob umano siya ng kanyang tindahan nang sabihan ng isang concerned citizen na may nasusunog na bahagi ng katabing bahay.
Dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy mula sa mga light materials, agad niyang pinaalis ang kanyang mga anak upang hindi madamay.
Bagamat ligtas sila, wala silang naisalbang gamit.
Isa sa mga hinalang dahilan ng sunog ayon kay Tania ay ang air conditioner ng katabing bahay na pinagmulan umano ng apoy.
Samantala, giit ni Joselito, may-ari ng bahay kung saan unang nakita ang apoy, wala siya roon nang mangyari ang insidente.