DAGUPAN CITY- Nagpaalala ang Dagupan City veterinary office sa mga may alagang hayop gaya na lamang ng aso at pusa na madali rin makakuha ng mga sakit ang mga hayop sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Daniel Paolo Garcia – Officer in Charge ng Veterinary Office Dagupan City na gaya sa tao ay maaari silang makakuha ng mga sipon, ubo at lagnat kaya tiyakin ang pag-aalaga sa kanila at mas mainam na ilagay sila sa mga lugar na ligtas na hindi nauulanan o kahit naiinitan.

Anya na kung may mapansin man ang mga pet owners sa kanilang mga alagang hayop ay kinakailangan na ipakunsolta kaagad ito malapit sa kanilang veterinary office upang malaman at agad na magamot ang mga alagang aso at pusa nila.

--Ads--