Dagupan City – Pumalag ang alkalde ng Laoac matapos na tawaging ‘ghost town’ ang kanilang bayan.
Sa naging mensahe ni Laoac Mayor Ricardo Balderas, sinabi nito na paninira lamang to sa kanyang administrasyon.
Aniya, kung titignan kasi ang bayan at ang munisipyo, marami na rin itong ipinagbago sa ilalim ng kaniyang termino bilang alkalde.
--Ads--
Tinawag naman niya ang mga nagsasabi ng paratang na nagbubulag-bulagan lamang ang mga ito sa kagandahan na ngayon sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Muli rin niyang binigyang diin ang ipinapakita ng mga residente sa Laoac sa ginawa nilang pagpili sa kaniya na mamunong muli sa kanilang bayan.