DAGUPAN CITY- Target ng TNT Tropang Giga na maisama sa kanilang Grand Slam bid si Jordan Heading, kapalit ni Mikey Williams, matapos tuluyang maaprubahan ang trade sa PBA.
Bagamat hindi pa nakakapaglaro si Heading dahil sa back spasms mula pa noong Commissioner’s Cup quarterfinals, inaasahang makakasama na siya sa ensayo sa Miyerkules, ayon kay team manager Jojo Lastimosa.
Wala pang tiyak na petsa ang pagbabalik ni Heading sa laro, pero mas pinagbubuti niya raw ang rehab para makabalik agad sa court.
Kinuha ng TNT si Heading upang punan ang kakulangan sa backcourt, lalo na’t hindi na makakalaro si Jayson Castro ngayong season dahil sa injury sa tuhod, habang nagpapagaling pa si Rey Nambatac sa groin injury.
Sa ngayon ay hinihintay na ng mga manlalaro at bawat koponan ng kalalabasan ng bagong play strategies ng bawat team.