Hati ang opinyon ng mga mamamayang Amerikano sa naging hakbang ni US President Donald Trump na kaniyang papatawan ng mataas na taripa ang lahat ng mga produkto na galing sa ibang bansa na papasok sa Amerika.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Des Baker, Bombo International News Correspondent sa USA, sinabi nito na maraming mamamayan doon ang ayaw sa taripa kung kayat ang gusto ng iba na gawin na doon ang mga smartphone dahil mas makakamura at para mabigyan din ng trabaho ang mga tao.
Sa personal niyang opinyon ay gugustuhin niya ang murang smartphone.
Aniya, kailangang ikonsedera na may mga tao na mawawalan ng trabaho kung sa ibang bansa pa ang paggawa ng gadget.
Tinukoy niya ang papataw ng 25 na taripa sa mga smartphone kapag ang produkto ay galing sa ibang bansa gaya ng China o India at papuntang Amerika.
Ngunit kung ang gadget na gawa sa China ay ibinenta sa Pilipinas ay depende sa trade agreement na ng dalawang bansa at hindi naman masyadong apektado dito ang Pilipinas maliban lang kapag dinala na ang produkto ng China sa Amerika.
Matatandaan na nagbanta si Trump na kaniyang papatawan ng 50 percent na taripa ang lahat ng mga produkto na galing sa European Union habang 25 percent dinsa mga Apple products.
Sinabi Trump na hanggang hindi gawa sa US ang mga produkto ng Apple ay hindi niya ititigil ang pagpataw ng taripa.