Dagupan City – Dahil sa tumitinding init at maalinsangan na panahon na nararanasan ngayon ay isa ang hypertension sa mga sakit na binabantayan ng mga health experts lalo na sa mga matatanda na kung saan ang mainit na panahon ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo at magpalala ng kondisyon ng hypertension.
Ayon sa nagging pahayag ni Dr. Felixberto Fangonil -Ilocos Training and Regional Medical Cneter sa isinagawang kapihan sa Ilocos sa ngayon ay hindi lamang matatanda ang nakakaramdamn ngunit maging ang mga kabataan Lalo na kung nakuha at namana nila ito sa kanilang kamag-anak na mayroon hypertension.
Aniya na mahalaga sa mga ganitong panahon ay mahalaga na palaging uminom at magbaon ng tubig, iwasan ang makaramdam ng stress na madalas ay dahil sa mainit na panahon at iba pang mga dahilan na makakapagpalala ng karamdaman.
Mahalaga na magpakunsolta palagi upang maiwasan na mauwi ito sa mas malalang kondisyon at gayundin ang pangangalaga sa katawan at kalusugan.