Niyanig ng 6.6-magnitude earthquake ang Papua New Guinea dakong alas-11:06 kagabi, oras sa Pilipinas.
Natukoy na sa hilagang-silangan ng Angoram, sa nasabing bansa tumama ang lindol.
Ito ay may lalim na 53 kilometro, batay sa United States Geological Survey (USGS).
--Ads--
Bagaman malapit lamang ito sa Pilipinas, wala pang naitatalang banta ng tsunami sa bansa.