Dagupan City – Nakahanda na rin sa pagbibigay suporta at tulong ang Office of Civil Defense o OCD Region 1 para sa darating na halalan.
Ayon sa isinagawang kapihan sa Ilocos, ibinahagi ni Region 1 Office of Civil Defense, Regional Director Laurence Mina na bilang bahagi sa pagsasagawa ng Local at National election ang Commission on Elections o Comelec ay nakipag-ugnayan sa naturang ahensya pagdating sa mga kakailanganing tulong lalong Lalo na sa kaligtasan ng publiko sa halalan.
Aniya na nagsimula nang ipatupad ang blue alert status kahapon ng umaga na magtatagal naman ito hanggang May 14, alas otso ng umaga upang masiguro ang ligtas at maayos na eleksyon. Nakaalerto ang kanilang hanay sa mga voting precint sa rehiyon uno at gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga Lokal na Pamahalaan, Municipal at city disaster risk reduction management office para sa pag-antabay sa mga posibleng mangyari sa kanilang lugar.
Bukod dito anya ay activated na rin ang emergency operating center para sa sentral na monitoring, gathering of information pakikipag-ugnayan at iba pang mga gagawin ng tanggapan para sa eleksyon.