Dagupan City – Tinawag na ‘Big win for americans’ ng residente sa Estados Unidos ang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Prevost na kauna-unahang American pope.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent sa USA, sinabi nito na nag-umpisa na ring nagdiwang ang Jubilee sa kanilang bansa.

Aniya, maituturing itong remarkable na bagay sa kanilang at isa naman sa nakikitang daan para mahikayat pa ang lahat na maging isa ang bawat pananampalataya.

--Ads--

Pinuri rin ni Pascual ang ipinakitang abilidad ng Santo Papa pagdating sa pamumuno, at nanawagan naman ito ng panalangin sa mga mananaplataya para sa gabay ng Panginoon sa buhat ng santo papa.

Si Cardinal Robert Prevost ay 69-anyos at ang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.

Kaugnay nito, papangalan naman siya bilang Pope Leo XIV na siyang magiging ika-267 na Santo Papa.

Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.