Hindi na isasama ni US President Donald Trump ang mga smartphone, computer, at ilang electronic devices sa bagong buwis o taripa laban sa mga inaangkat mula China.
Ayon sa US Customs, hindi na papatawan ng 10% global tariff at ng mas mataas na 125% buwis sa Chinese imports ang mga gadget tulad ng cellphone at laptop.
Sakop din ng exemption ang mga semiconductor, solar cell, at memory card—at epektibo ito mula Abril 5.
--Ads--
Ito ang unang malaking hakbang ng US na lumuwag sa trade war laban sa China.
Ayon sa isang eksperto sa kalakalan, maaari itong maging “game-changer.”
Inaasahang magbibigay pa si Trump ng karagdagang detalye sa susunod na linggo.