Naganap ang isang makulay na araw ng selebrasyon sa bayan ng Mapandan kung saan tatlong pangunahing proyekto ang sabay-sabay na inilunsad bilang bahagi ng patuloy na pag-unlad ng bayan.

Pinangunahan ng kasalukuyang administrasyong ang makasaysayang 3-in-1 inauguration, na layong maghatid ng mas modernong pasilidad at mas maayos na serbisyong pampubliko sa mga residente.

Ang mga bagong gusali, tulad ng MDRRMO Command Center, ang bagong Sangguniang Bayan Hall, at ang Super Health Center (Phase II), ay magsisilbing simbolo ng malasakit at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kaligtasan, kalusugan, at serbisyo publiko sa nasabing bayan.

--Ads--

Ang MDRRMO Command Center ay magbibigay ng mabilis na tugon sa mga sakuna, ang bagong Sangguniang Bayan Hall ay naglalaman ng One-Stop-Shop para sa mas episyenteng serbisyo, at ang Super Health Center (Phase II) ay mas pinalawak upang matugunan ang mga pangangailangan medikal ng komunidad.