Hindi nag aalala ang actress-vlogger na si Ivana Alawi tungkol sa masamang hula na tumutukoy umano sa kanya.

Ayon sa prediction ng kilalang psychic reader na si Rudy Baldwin, isang sikat na vlogger at aktres ang mamamatay ngayong taon dahil sa sakit na cancer.

Paglalarawan ni Baldwin sa vlogger-actress na tinutukoy niya ay nagkasakit nang malubha kamakailan at kumalat na raw ang cancer nito sa katawan.

--Ads--

Dahil sa halos giveaway na clues na ibinigay Baldwin, marami ang humuhulang si Ivana Alawi ang kanyang tinutukoy.

Inamin ni Ivana na isinugod siya sa ospital noong 2024 dahil sa ascites, isang kumplikasyon na dulot ng polycystic ovary syndrome (PCOS).

Ayon sa John Hopkins Medicine, ang ascites ay isang kundisyon kung saan napupuno ng fluid ang abdomen.

Pero sa ngayon daw ay maayos ang kanyang kalusugan.

Hindi rin daw siya apektado sa hula tungkol sa kanya kaya walang dapat ipag-alala ang mga taong malapit sa kanya.