DAGUPAN CITY- Puno ng saya at kasiyahan ang ginanap na Sangguniang Kabataan (SK) Night sa Mangaldan, bilang bahagi ng selebrasyon ng Town Fiesta at Pindang Festival 2025.

Layunin ng okasyon na bigyang-pugay ang mga kabataang lider mula sa iba’t ibang barangay sa bayan, na siyang nagsisilbing modelo ng dedikasyon at serbisyo sa kanilang komunidad.

Pinangunahan ang pagdiriwang ng pagpaparangal sa mga SK Councils, bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagsisikap at kontribusyon sa mga kabataan sa bayan.

--Ads--

Sa kanyang talumpati, hinimok ng isang lokal na lider ang mga kabataan na magsikap at maging produktibong bahagi ng lipunan, iwasan ang masasamang bisyo, at mag-aral ng mabuti upang magtagumpay sa buhay.

Nagbigay din ng mensahe ang isang kilalang personalidad, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng sipag, determinasyon, at pagiging madiskarte sa buhay.

Bilang simbolo ng suporta sa mga kabataan, nagbigay ng cash donation para sa mga SK councils na dumalo sa gabi, na naging bahagi ng isang masayang gabi ng musika at sayawan.

Dumalo rin ang ilang mga lokal na opisyal upang ipakita ang kanilang pagsuporta at pagpapahalaga sa mga kabataang lider ng Mangaldan.