DAGUPAN CITY- Senyales ng mahinang sistema sa edukasyon ang kamakailan nag viral na isang contestant sa isang noon-time show kung saan limitado ang kaalaman nito hinggil sa Commission on Election (COMELEC).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, ito ang kinakalabasan ng pagbabawas pa ng mga mahahalagang asignatura at mas binibigyan pansin lamang sa edukasyon ang pagpapalakas ng skills na magagamit sa labor force.

Aniya, dapat pagnilayan ng Comelec at Department of Education (DEPED) kung saan ba nagkukulang sa kalidad ng edukasyon.

--Ads--

Bagaman itinuturo sa K12 ang current events, tila mas gusto ng DEpEd na bawasan ang mga asignatura lalo na ang may kinalaman sa kasaysayan.

Kaya sa nalalapit na halalan, dapat pagtuonan ang pagpapalawak sa voter’s education ng mga kabataan.

Maliban pa riyan ay dapat bigyan pansin din lalo ang kritikal na pagsusuri ng mga mag-aaral na makakatulong sa ganitong bagay na may kinalaman sa eleksyon, tulad ng fact checking.

Kung hindi kase ito mahasa ay magdudulot lamang ito ng ‘brain-rotting’ sa mga kabataan kung saan mawawalan sila ng atensyon sa mga mahahalagang impormasyon.

Kaugnay nito, mas pipiliin na lamang mapagtuonan ang mga campaign materials sa social media na tila ‘entertaining’ lamang sa halip sa may kabuluhan na pangangampanya.

Sa kabilang dako, lumalabas man sa mga surbey na ang kurapsyon ang isa sa basehan ng mga kabataan sa pagsusuri ng mga kumakandidato subalit, hindi naman ito namamaximize para sa magandang plataporma ng mga tumatakbo.

Madali lamang kase ito sabihin para sa mga kumakandidato subalit mas mainam kung sumalang ang mga ito sa senatorial debates upang mabigyan ng mas magandang pagbubusisi ang mga botante.

Sa pamamagitan kase ng public pressure ay lalabas kung sino ba talaga ang may tunay na layunin para sa Good Governance.