DAGUPAN CITY- Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan ang bagong programa na tinawag na “Maaron Ina,” na naglalayong magbigay ng direktang suporta sa mga nanay sa buong lungsod.


Bahagi ito ng layunin ng alkalde na pakinggan ang mga hinaing ng mga ina at magbigay ng tulong sa kanilang pangangailangan.


Nakatuon ang programa sa apat na pangunahing sektor: kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at paghahanda sa mga kalamidad.

--Ads--


Layunin nitong matulungan ang mga mamamayan, partikular na ang mga ina, sa pamamagitan ng mga serbisyo at aktibidad na magpapalakas sa kanilang kakayahan at magbibigay sa kanila ng mga solusyon sa kanilang pangaraw-araw na problema.
Binibigyang-diin ng programa na hindi lang ito isang pagkakataon para sa mga nanay, kundi isang hakbang patungo sa pagpapalakas ng komunidad at sa pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilya.