Mga Kabombo! Naniniwala ka ba na hindi lang tao at hayop ang naninirahan sa Universe?

Naniniwala ka rin ba na mayroong nabubuhay tayong kasama na hindi pa natin nakikita?

Isang mangingisda kasi mula sa Russia, ang nakahuli ng kakaibang nilalang mula sa kailaliman ng dagat at hinihinala ito bilang isang Alien?

--Ads--

Habang nangingisda sa Golpo, nahulog sa kanyang mga kamay ang isang gray na nilalang na may bilog at malambot na katawan.

Ipinost ng mangingisda ang video ng nilalang sa social media at tinukoy itong isang smooth lumpsucker, isang uri ng isda na matatagpuan sa malalim na dagat at maaaring lumaki ng higit sa isang talampakan.

Dahil dito, maraming teorya ang naglipana at nagsulputan at karamihan doon ay tungkol sa mga Aliens.