Mga kabombo! Anong gagawin mo kung matulad ka sa isang karakter sa bibliya na si Jonah kung saan nilamon ito ng isang butanding?

Katulad ni Jonah, nilamon din ng isang humpback whale ang isang 24-taon gulang na kayaker sa Punta Arenas, sa Chile.

Caught on cam sa video ng ama ni Adrian Simancas Jaimes, isang computer technician mula Venezuela at nasabing nilamon ng butanding.

--Ads--

Sinabi ni Jaimes na nakaramdam siya ng impact sa kaniyang likuran na siyang nagpatumba sakaniya mula sa sinasakyan niyang inflatable kayak.

Sa video, makikitang biglaang naglaho si Jaimes nang kainin siya ng butanding. Aniya, hindi na malinaw ang mga nangyayari sakaniya hanggang sa iluwa siya ng butanding at duon na niya nakumpirma ang pangyayari.

Hindi naman nkapagtamo ng kahit anong sugat si Jaimes at agad din sila bumalik ng kaniyang ama sa pampang.

Matatandaan na noong 2020, pareho rin ang naranasan ng mga kayakers mula California na sina Julie McSorley at Liz Cottriel na caught on cam din ang pagkain sakanila ng humpback whale.Mga kabombo! Anong gagawin mo kung matulad ka sa isang karakter sa bibliya na si Jonah kung saan nilamon ito ng isang butanding?

Katulad ni Jonah, nilamon din ng isang humpback whale ang isang 24-taon gulang na kayaker sa Punta Arenas, sa Chile.

Caught on cam sa video ng ama ni Adrian Simancas Jaimes, isang computer technician mula Venezuela at nasabing nilamon ng butanding.

Sinabi ni Jaimes na nakaramdam siya ng impact sa kaniyang likuran na siyang nagpatumba sakaniya mula sa sinasakyan niyang inflatable kayak.

Sa video, makikitang biglaang naglaho si Jaimes nang kainin siya ng butanding. Aniya, hindi na malinaw ang mga nangyayari sakaniya hanggang sa iluwa siya ng butanding at duon na niya nakumpirma ang pangyayari.

Hindi naman nkapagtamo ng kahit anong sugat si Jaimes at agad din sila bumalik ng kaniyang ama sa pampang.

Matatandaan na noong 2020, pareho rin ang naranasan ng mga kayakers mula California na sina Julie McSorley at Liz Cottriel na caught on cam din ang pagkain sakanila ng humpback whale.