DAGUPAN CITY- Tinupok ng apoy ang isang bahay Barangay Nibaliw, Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay FSINSP Armando Ramos Chief ng BFP Mangaldan, nangyari ang sunog dakong alas-7:00 ng gabi, kahapon, habang nagluluto ang may-ari ng bahay gamit ang kahoy sa loob ng kanyang kusina at saglit na iniwan.

Habang naglalakad pabalik sa kaniyang bahay, nakita na lang niya ang kanyang bahay na tinutupok na ng apoy.

--Ads--

Agad namang ipinaabot ang insidente sa Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan ng mga kapitbahay mismo ng biktima.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang eksaktong halaga ng pinsala dulot ng sunog, ngunit ayon sa mga awtoridad, wala namang nasaktan sa nasabing insidente.