Limampung-limang mag-aaral ang nabigyan ng libreng Theoretical Driving Course sa ilalim ng proyektong “Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” o LAB FOR ALL caravan ni First Lady Liza Marcos sa Alaminos City.
Ang 2-araw na kurso ay pinangunahan ng Land Transportation Office sa pamumuno ni LTO Region I Director Glorioso Daniel Z. Martinez, kasama ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa ilalim ng liderato ni Mayor Arth Bryan C. Celeste.
Ang mga estudyante ay natuto tungkol sa theoretical driving, road safety, at basic traffic rules upang maging ligtas at responsableng drayber.
Layunin ng proyektong ito na ay magbigay ng tulong at suporta sa mga estudyante at sa komunidad, at magpromote ng kaligtasan at responsibilidad sa pagmamaneho.