DAGUPAN CITY- Isang mahaba at maprosesong lakbayin ang kailangang pagdaanan ng Impeachment mga compalaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Emmanuel Cera, isang Constitutional Lawyer, maraming kailangang pagdaanan ang isang maselang hain upang maiusad at maiproseso.
Aniya, wala pang sapat na numero ang mga mambabatas upang gawin ang ilang mga hakbang ukol sa nasabing isyu.
--Ads--
Hindi basta-basta ang ganitong mga usapin dahil napapaloob dito ang ilang mga constitutional rights.
Mayroon ding mangyayaring deliberation upang mas maging maayos ang ilang mga maseselang proseso.
Dagdag niya, magandang maayos na maipatupad ang mga polisiya upang mas maging matatag ang bansang Pilipinas.