DAGUPAN CITY- Simple lamang ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa bansang Hongkong, kumpara sa ibang mga bansa kung saan ipinagdiriwang ito kasama ng kanilang mga pamilya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marylou Bautista Borra, Bombo International News Correspondent sa bansang Hongkong, simple at tila ordinaryong araw lamang para sa mga mamamayan ng nasabing bansa ang nasabing okasyon.
Aniya, hindi rin itinuturing na Holiday sa bansa ang nasabing araw.
--Ads--
Sa kabila nito, mayroong ilang mga establisyementong naglalagay ng dekorasyon, mga nagbibigayan ng bulaklak at tsokolate upang ipakita ang pagpapahalaga sa nasabing araw.
Dagdag niya, makikita sa ilang mga kabataan ang selebrasyon ngunit tila normal na araw na lamang ito sa mga katandaan.