Isang helicopter na may body number RP-C3424 ang bumagsak sa isang sa Sitio Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, bandang alas-5:00 ng hapon.
Lulan ng nasbing helicpoter si Julia Flori Monzon Po, 25 taong gulang, residente ng ParaƱaque City, at piloto ng isang kilalang TV host at senatorial candidate.
Inihayag ng CAAP na nakatanggap sila ng ilang emergency alerts tungkol sa insidente, at ipinadala na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) sa pamumuno ni (Ret.) Col. Rhomel Ronda upang tuklasin ang sanhi ng aksidente.
--Ads--
Sa ngayon ay patuloy ang mga awtoridad sa pag-secure ng crash site habang nagpapatuloy ang mga operasyon at imbestigasyon. Magbibigay pa ng mga update habang may bagong impormasyon.