DAGUPAN CITY- Layunin ng isinasagawang Extended Learning Hours sa West Central Elementary School na matutukan ang ilang mga mag-aaral sa nasabing paaralan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santillan, Principal IV ng West Central Elementary School, isa sa mga prayoridad ng programang ito ay ang mga estudyanteng may learning gaps.

Aniya, isinasagawa rin ito upang mapagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga mag-aaral na isinasabak sa mga paligsahan sa labas ng paaralan.

--Ads--

Tinatayang matatapos ang aktibidad sa buwan ng Pebrero ngayong taon.

Samantala, magkakaroon ng pagsusulit ang mga batang sumailalim sa nasabing programa upang makita kung epektibo ba ang isinagawang programa.