Tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo para sa ikatlong sunod na linggo ayon sa Department of Energy.

Sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng DOE Oil Industry Management Bureau na ang mga sumusunod na pagtaas ay ipapatupad sa Enero 21, batay sa 4 na araw ng trading ng Mean of Platts Singapore:

Gasoline – P1.35 hanggang P1.60/litro

--Ads--

Diesel – P2.30 hanggang P2.60

Kerosene – P2.30 hanggang P2.50

Dagdag pa ni Romero na tumaas ang presyo ng langis ng 3 hanggang 5 US dollars mula Biyernes hanggang Lunes dahilan kung bakit magtataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.