Hinihinalang nasa 5 o 6 anim na katao ang nasa likod ng mga pinatay na alagang baka sa bayan ng Umingan.

Ayon kay Ricardo Cabuloy Jr. at Maximo Julaton, may-ari ng mga bakang pinatay tinatayang nasa higit P150,000 ang kabuuang halaga ng mga alagang baka.

Kung saan nasa higit 10 taon ng nag-aalaga ang isa sa mga ito at ngayon lamang nila naranasan ang nasabing pangyayari.

--Ads--

Anila na nasa 100 meters ang layo ng pinangyarihan ng insidente sa kanilang tahanan at kasalukuyan pang tinitingnan ang cctv sa lugar.

Bagama’t kinuha ang mga paa sa likod at leeg ng mga baka ang natira sa mga ito ay ibenenta na lamang nila sa mas murang halaga.

Ito ay upang kahit papaano ay makabawi sila lalo na rin at halos ang mga parteng mabuto na lamang ang natira.

Sa kasalukuyan ay naipablotter na nila sa kapulisan ang nangyari at panawagan naman ng mga ito na sana ay magkaroon ng checkpoint sa kanilang lugar upang maiwasan ang ganitong insidente.

Samantala, anila ay ipinagpapasadiyos na lamang nila ang nangyari at umaasa na mas higpitan na lamang ang pagbabantay sa kanilang lugar.