Naaresto ang isang 27-anyos na babaeng event organizer ng mga pulis ng Manaoag, kamakailan dahil sa 13 kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o ang Bouncing Checks Law.

Kinilala ang suspek na residente ng Purok 1, Banago, Nagcarlan, Laguna.

Ang pag-aresto ay resulta ng masusing pagtugis ng kapulisan sa mga wanted persons upang hindi na makapambiktima pa ng ibang indibidwal.

--Ads--

Inisyu ang warrant of arrest ng Metropolitan Trial Court, Branch 82, Valenzuela City, Metro Manila, na may inirekomendang piyansa na P216,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Manaoag Police Station ang suspek para sa tamang dokumentasyon.