Pinasinayaan ang bagong tayong Multi Purpose Hall sa isang brgy. sa syudad ng San Carlos.
Ang Barangay Hall na ito sa brgy. Tarece ay binuksan para sa mga residente at sa publiko.
Pinangunahan naman ng alkalde ng bayan na si Mayor Julier Resuello ang isinagawang ribbon-cutting ceremony ng bagong Brgy. Hall, kasama ang punong brgy. na si Gerry Mercado, at ng SK Fed. Pres. ng syudad na si Reyna Tamondong.
Ang proyekto na ito ay magsisilbing lugar para sa mga isasagawang programa at aktibidad ng nasabing brgy. na malaking tulong para sa mga opisyal at mga residente.
Magsisilbi rin itong sentro ng serbisyong pampubliko, kung saan ang mga residente ay maaaring magtangkilik ng mga serbisyo mula sa lokal na pamahalaan tulad ng pagpaparehistro, pagkuha ng mga dokumento katulad ng barangay clearance, at iba pang mga administrative na serbisyo.