DAGUPAN CITY- Maaaring maapektuhan ng bahagya ang paglalabas ng 2025 National Budget ng bansang France dahil sa nangyayaring krisis sa nasabing bansa, bunsod ng pagkaka-tanggal sa pwesto ng kanilang Prime Minister na si Michel Barnier.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leo Brisenio, Bombo International Correspondent sa bansang France, hindi nalalayo ang nangyari sa bansang France sa nangyayari sa bansang Pilipinas kung saan na-impeach ang Prime Minister ng nasabing bansa dahil sa isyu ng budget proposal.
Aniya, mabilis ang impeachment process ng nasabing bansa at hindi katanggap-tanggap ang halaga ng bnasabing salapi ng kanilang parlamentaryo.
Dahil sa nangyari, nagkaroon umano ng political deadlock at maaring mas maapektuhan pa ang paglalabas ng budet ng nasabing bansa.
Hindi umano kompyansa ang parlamentaryo ng nasabing bansa sa pamamahala ni Barnier, at mas dumarami ang oposisyon laban sa kaniya.